Pages

Friday, March 18, 2016

“Oplan Ligtas Biyahe” ng Caticlan Jetty port para sa Semana Santa, nagsimula na

Posted March 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagsimula na umano ang “Oplan Ligtas Biyahe” ng Caticlan Jetty port ngayong araw para sa paghahanda sa panahon ng Kwarisma sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Chief Security Alex Valerno ng Caticlan at Cagban Jetty Port, kung saan nailatag na umano nila ang help disk sa mga nasabing pantalan kasama ang medical team para sa pag-alalay sa mga turista na papasok sa Boracay ngayong Semana Santa.

Ayon kay Valerno, napaaga umano ang kanilang preparasyon dahil na rin sa dumadami na ang mga turista kung saan katuwang umano nila dito ang Philippine Coast Guard, Maritime Police, at Boracay PNP.

Nabatid na bago nila ipatupad ang nasabing kampanya ay ilang serye ng meeting muna ang kanilang ginawa para mapaghandaan ng mabuti ang seguridad.

Samantala, doble-dobleng pasahero ang inaasahang bubuhos ngayong Semana Santa sa Caticlan Jetty Port lalo na ang mga pasahero ng Ro-ro vessel na mula sa Batanggas at Mindoro.

No comments:

Post a Comment