Pages

Friday, March 18, 2016

Mga tricycle driver sa Boracay, nakatakdang isailalim sa seminar ng DOT

Posted March 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sex offenders registerNakatakda umanong isailalim ng Department of Tourism (DOT) sa seminar ang mga tricycle driver sa isla ng Boracay kaugnay sa mga sex offenders.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, nais umano nilang bigyang kaalaman ang mga driver kaugnay sa sex tourism na nangyayari sa ibang lugar.

Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Tourism (DOT) ang paglako o pag-ingganyo sa mga parokyano ng mga babae lalo na sa isla ng Boracay.

Sinabi pa ni Velete na dapat imbes sekswal ang e-offer sa mga turista, ay dapat i-ingganyo nalang umano ang mga ito na subukang puntahan ang magagandang tourist spot sa probinsya at sa mga kalapit na lugar.

Matatandaan na nitong nakaraang araw ay nagkaroon ng consolation workshop on the sexual offenders registration at notification bill ang Asia Foundation sa Boracay sa pangunguna ng consultant na si Atty. Eric Mallonga kaugnay sa mga sex offenders na pumapasok sa bansa partikular sa mga tourist destination.

No comments:

Post a Comment