Pages

Friday, March 04, 2016

Mga Security Guard sa Boracay sumailalim sa seminar ng NTC kaugnay sa paggamit ng Hand Held Radio

Posted March 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  

Mahigit 60 Security Guard sa Boracay ang sumailalim sa seminar ng National Telecommunication Commission (NTC) Region 6 tungkol sa paggamit ng Hand Held Radio.

Sa pangunguna ni Engr. Nestor Antonio Monroy, Engr. Leah Dela Cruz-Doromal at Engr. Canille Caesar Dalumpines, ay nagbigay ang mga ito ng panuntunan sa tamang paggamit ng Hand Held Radio.  

Kabilang sa mga itinuro sa kanila ang Technical Concepts of Radio Waves, Traffic, Handling, Safety and Preventive Maintenance at iba pang mahahalagang bagay kaugnay sa paggamit ng naturang radyo.

Ayon kay Monroy, pumunta umano sila dito sa isla ng Boracay upang ibahagi sa mga Security Guard ang legal operation ng radyo.

Sa pagtatapos ng nasabing seminar ay nabigyan naman ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga security guard kauganay sa paggamit nito at kung anong mga bagay ang dapat iwasan na magreresulta ng panganib sa bawat isa o sa kanilang trabaho.

Ang naturang seminar ay ginanap sa Casa Pilar Convention Hall Boracay kaninang ala-ona ng hapon.

No comments:

Post a Comment