Pages

Wednesday, March 09, 2016

Implementasyon sa bagong manifesto sa mga bangka sa Boracay sinimulan na

Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Alas-singko kaninang madaling araw ng magsimula na ang implementasyon ng bagong manifesto sa mga bangkang pampasahero sa Boracay.

Ito’y libreng ibinibigay sa lahat ng mga pasahero sa bangka na kasama sa kanilang biniling boat ticket kung saan susulatan naman nila ito ng kanilang pangalan, edad at address sa inilaang mga lamesa sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, simula ngayon ay ito na ang gagamitin ng mga pasaherong sasakay sa bangka na magsisilbing manifesto.

Sa kabilang banda ang mga hindi naman umano bumibili ng ticket sa bangka kagaya ng mga kawani ng gobyerno sa Malay, mga opisyales at iba pang VIP sa probinsya ay kailangan ding kumuha nito sa dispatcher ng bangka kung saan sila sasakay.

Nabatid na ito na ang magiging batayan ng Philippine Coastguard kung sino ang mga sakay na pasahero sakaling magkaroon ng insidente sa bangka.

Ang bagong sistemang ito ay sinasabing solusyon sa mabagal na operasyon ng mga bangka sa Boracay kung saan dati ay paisa-isang pang nagsusulat ng pangalan sa manifesto bago umalis na kalimitang umaabot sa 30 minuto.

No comments:

Post a Comment