Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakda na umanong ituloy ang naudlot na extension port
sa Cagban base sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang.
Ayon kay Maquirang na-hold umano kasi ito ng contractor
na siyang may hawak ng proyekto dahil sa nagkaroon ng pagbabago sa program of
works.
Dahil dito hahabaan umano ang existing 40 meters port ng additional
100 meters na dinadaungan ng mga bangka kung saan lalagyan na din ito ng
daungan ng mga ferry.
Maliban dito sinabi naman ni Maquirang na mahirap ang
magkaroon ng dredging sa Cagban Port dahil sa mabato ang nasabing daungan hindi
kagaya ng Cagban Jetty Port na nakatakdang e-dredging upang hindi mahirapang
makadaong ang mga bangka.
Samantala, isa sa mga plano sa Cagban Port ay gawing
fully air-conditioned ang buong terminal area, paglagay ng check-in counter
para sa mga eroplanong may biyaheng Caticlan Aiport at Kalibo International
Airport at ang bagong parking area ng mga tricycle sa loob ng pantalan.
No comments:
Post a Comment