Posted February 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot na sa dalawamput isang libo anim na raan at
dalawamput dalawa ang registered voters sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni Malay Comelec Officer II Elma Cahilig sa
himpilan ng YES FM Boracay.
Ayon kay Cahilig ang Brgy.ng Manoc-manoc umano ang may
pinakamaraming botante sa isla kung saan umabot ito sa 10, 961 habang ang
Balabag ay 7, 191 at ang Brgy. Yapak naman ay 3, 470.
Sinabi nito na may kabuuang bilang ngayong 33, 818 registered
voters ang Malay para sa national at local elections sa darating na May 9,
2016.
Dahil dito, nakatakda naman ang local campaign sa March
25 hanggang May 7 ngunit mahigpit umanong ipinagbabawal ng Comelec ang
pangangampanya sa panahon ng kwaresma.
Nabatid na itinakda ng Commission on Elections ang
pangangampanya ng 90 days sa national at 45 days naman sa local.
Ang Malay ang pangalawang bayan sa Aklan na may
pinakamaraming botante kung saan ang bayan ng Kalibo naman ang may
pinakamarami.
No comments:
Post a Comment