Posted Febuary 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinaalalahanan ng
Malay Auxiliary Police (MAP) sa Boracay ang lahat ng mga driver at operator na
hindi pa nakapag-renew ng kanilang permit.
Ayon kay Chief
Rodeto Absalon, Traffic Aid 2 ng Malay Auxiliary Police (MAP), magtatapos na
umano ang deadline sa mga kukuha ng kanilang permit sa darating na February 20,
2016.
Sinabi nito na
mas mainam kung mag-renew na ang mga ito ng permit dahil sa pagtatapos ng
deadline ay manghuhuli na sila sa mga driver na walang maipapakitang permit.
Maliban dito,
sinabihan naman ni Absalon ang mga driver na matigas ang ulo na huwag ng daanan
o mag-parking sa mga ipinagbabawal na lugar kung ayaw nilang mahuli.
Kaugnay nito
huhulihin din umano nila ang tricycle driver na hindi nagpapasakay ng pasahero dahil
sa may ordinansa na umano para rito kung saan dapat umanong kunin ang body
number o plate number ng sasakyan ng pasahero na hindi pinasakay para at
isumbong sa mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment