Posted February 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Duguan ang bibig
ng construction worker ng mag-sumbong sa mga pulis matapos itong suntukin ng katrabo
dahil sa isinanlang damit sa isang hotel sa Manoc-manoc, Boracay.
Sa report ng
Boracay PNP, nakilala ang biktima na si Renan Henerana 33-anyos at ang suspek
na si Regie Molero 27-anyos kapwa conruction worker.
Napag-alaman na
nagalit umano ang suspek sa biktima dahil nakita nitong suot-suot ang iprenindang
damit sa kanyang pinsan.
Dahil dito,
nagkaroon ng mainitang diskusyon at hindi pagkakaintindihan ang dalawa dahilan
para suntukin ng suspek ang biktima sa kanyang kaliwang bibig ngunit sa kasamaang
palad ay hindi narin pinabalik pa ang mga ito sa kanilang pinagta-trabahuhan
dahil sa kanilang nagawang kasalanan.
No comments:
Post a Comment