Posted January 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hiniling kahapon ni SB Member Leal Gelito sa ginanap na
SB Session ng Malay na kung maaari ay ilipat muna pansamantala ang pagkuha ng Police
Clearance sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos silang makatanggap ng reklamo sa mga
manggagawa na nahihirapang tumawid mula sa Boracay para lamang kumuha ng
nasabing clearance na hindi agad na-proproseso ng isang araw.
Dahil dito, nagkasundo naman ang Konseho na magpadala ng
sulat sa Malay PNP kung saan nakasaad umano rito na kung maaari ay maglagay
sila pansamantala ng Satellite Office sa Boracay ng sa gayon ay hindi na
mahirap sa mga kukuha nito ang tumawid pa sa mainland.
Nabatid na ang pagkuha ng Police Clearance ay kasabay ng
mga renewal ng mga business permit ngayong bagong taon.
Samantala napag-alaman na dating nasa Boracay PNP kumukuha ng police
clearance ang mga empleyado sa isla ngunit inilipat na ito ngayong 2016 sa
Malay PNP matapos magpalabas ng kautusan ang Philippine National Police
Headquarters na ang Boracay PNP ay hindi under sa Municipal Police at ito ay
isang mobile station na nakatuun lamang sa mga turista.
No comments:
Post a Comment