Pages

Wednesday, January 20, 2016

Army officer na nag-post sa Facebook ng reklamo ng umano'y diskriminasyon sa VIP lounge ng KIA sinampahan ng kaso

Posted January 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit: Ryan Layug
Nakatakdang sampahan ng kasong Libel in relation to Cybercrime Act si Lt. Ryan Layug na isang Army Officer mula Mindanao.

Ito’y kaugnay sa kanyang post sa Facebook ng reklamo ng umano'y diskriminasyon sa VIP lounge ng Kalibo International Airport nitong Enero 1, 2016 na umani ng ibat-ibang reaksyon mula sa nitezens.

Sa Presscon na ipinatawag ng Domabem Corporation ipinahayag ni Atty. Rowena Mae Mencias na hindi umano nila itutuloy ang pagsasampa ng kaso kay Layug kung ito ay magpapa-Public apology sa Media.

Itinanggi naman ng pamunuan ng Domabem Corporation na may nangyaring diskriminasyon sa kanilang Lounge laban kay Layug.

Magugunitang inihayag ni Layug sa social media ang kanyang pagkaiinis matapos umano siyang tanggihan na makapag-avail sa nasabing Lounge sa loob ng Discover Boracay kung saan sinasabi niting para lang umano ito sa mga Korean tourist.

Si Layug ay sasampahan ng nasabing kaso ng manager ng naturang kumpanya na si Gun See Lee na kanya ring nakaharap noong mangyari ang insidente.

No comments:

Post a Comment