Posted
January 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambropna, YES FM Boracay
“Wala akong nakikitang dahilan na pwedeng ikasira sa
ilalim ng dagat sakaling pahintulutang mag-operate ang Yellow Submarine sa
Boracay”.
Ito ang sinabi ni Boracay Redevelopment Task Force (BRTF)
Chairman at Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, matapos nitong
masaksihan kung paano mag-operate ang Yellow Submarine sa ilalim ng dagat sa
ginawang validation kaninang umaga.
Gayundin, sinabi nito na hindi ito makakasira ng coral
reefs sa karagatan dahil malayo umano ang operasyon nito mula sa beach area at
hindi naman iikot sa buong isla dahil sa ang galaw lamang umano nito ay paatras
at paabante na tatagal lamang ng halos 30 minuto sa ilalim dagat.
Aniya, bago tuluyang mag-operate ang Yellow Submarine ay kailangan
pa umano itong dumaan sa mga pag-aaral o ibat-ibang proseso.
Dagdag pa ni Sacapaño, hindi lang umano madadagdagan ang
aktibidad na pwedeng gawin ng bisita dito sa isla dahil maaari pa nilang makita
ang kagandahan ng isla sa ilalim ng karagatan.
Nabatid na ito ang kauna-unahang Yellow Submarine na
mag-ooperate sa isla ng Boracay sakaling makapasa ito sa masusing pag-aaral.
Ang Validation ay ginawa kasama ang Philippine Coastguard
at mga Stakeholders mula sa BFI at PCCI Boracay.
No comments:
Post a Comment