Pages

Saturday, January 23, 2016

Aklan muling kinilala bilang Philippines No.1 Revenue generating province

Posted January 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang kinilala ang probinsya ng Aklan bilang Philippines No.1 Revenue generating province sa buong bansa.

Ito ay base sa datos na inilabas ng Finance Department.

Sa nasabing tala ng departamento, ang Aklan umano ay nasa top revenue-generating province nitong 2014 na may annual regular income na P1,161,975,895 at may locally sourced income na P492,969,004 na mayroon namang 42.4-percent ratio.

Nabatid na ang patuloy na paglaki ng income ng probinsya ay dahil na rin sa tuloy-tuloy na paglago ng turismo ng isla ng Boracay kasama na ang pagpasok ng malalaking kumpanya sa probinsya katulad ng Wind Mill Energy project.

Maliban dito, dumadami na rin ngayon ang pumapasok na International flights sa Kalibo International Airport at iba pang negosyo.

Samantala, kamakailan lang ay hinirang sa rank number 3 sa top 10 emerging destinations ngayong 2016 ang Kalibo na inilabas ng global travel search engine Skyscanner.

No comments:

Post a Comment