Pages

Tuesday, January 19, 2016

Ordinansa sa mga aso sa Kalibo, ipapasa na sa second reading ng SP Session

Posted January 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for provincial capitol of kaliboIpapasa na sa second reading ng SP Session sa Kalibo ang ordinansa at patakaran para sa mga nag-aalaga ng aso.

Ito ang nilalaman sa 2nd Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan, kung saan ang mga sponsor nito ay sina Hon. Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz, Hon. Nelson Santamaria at ang Co-sponsor nitong si Hon. Ramon Gelito at Hon. Lilian Tirol.

Ang nasabing ordinansa ay  tinawag na “ An ordinance Prescribing Rules and Regulations and Control Measures for the Prevention of rabies in the province of Aklan amending provincial ordinance No. 97-17.

Nabatid na nakapaloob sa nasabing panukala ay para pagbawalan at makontrol ang pagala-galang aso sa kalsada at sa mga pampublikong lugar sa probinsya ng Aklan kung saan bibigyan umano ng parusa kung sino man ang lumabag panukalang ito.

No comments:

Post a Comment