Posted January
20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na maaaring makapag-operate ang Casino at Foreign
Junket Gaming at iba pang PAGCOR games sa isla ng Boracay.
Ito’y sa sandaling maapronahan sa Sangguniang Bayan ng
Malay ang resolusyon na nag-dedeklara ng Moratorium sa pag-isyu ng endorsement sa
aplikante para sa pag-apply ng endorsement at mayor’s permit sa pag-operate ng
Casino at mga nasabing laro sa bayan ng Malay partikular sa isla ng Boracay.
Ang resolusyong ito ay ini-akda ni Liga President at
Manoc-manoc Brgy. Captain Abruam Sualog kung saan isinalang ito kahapon sa
Incoming and Referral sa ginanap na 3rd Regular Session sa bayan ng
Malay.
Nabatid na may mga nauna ng aplikasyon na natanggap ang SB
Malay ngunit sinasabing exempted na ito sa nasabing moratorium sakaling
maaproba ito.
Maalalang madami na ang nag-paabot ng pag-nanais na
mag-operate ng Casino sa Boracay ngunit ilang grupo rin ang nagbabawal nito na
makapasok sa isla.
No comments:
Post a Comment