Pages

Monday, January 04, 2016

Ilang area sa Boracay pinalagyan na ng waiting area para sa mga pasahero

Posted January 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay roadPatuloy ngayon ang pagpapagawa ng LGU Malay sa pamamagitan ng Malay Transportation Office (MTO) ng mga waiting area para sa mga commuters sa isla ng Boracay.

Ayon kay MTO Officer Cesar Oczon, may mga designated area umano silang nilagyan nito kung saan dadagdagan pa umano ang mga ito para sa mga pasahero.

Sinabi ni Oczon na natigil lang ang kanilang proyekto ngayon dahil sa nagkaroon ng kumplikado sa set back sa kalsada pero ipagpapatuloy parin umano nila ang pagpapagawa nito.

Nabatid na may tatlo na silang natapos na waiting area kung saan isa rito sa Balabag Plaza, isa isa sa Balabag Elementary School at isa naman sa may D’Talipapa mainroad.

Dagdag ni Oczon, ang proyektong ito ay para sa loading at unloading ng mga pasahero at upang hindi na rin umano mahirapang mag-pick up ang mga driver.

Samantala, paalala naman ni Oczon na ang waiting area ay hindi umano tambayan ng magbabarkada at magkasintahan.

No comments:

Post a Comment