Posted January 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinilala ngayon ng Conde Nast traveler magazine ang isla
ng Boracay bilang isa sa best travel destination para sa taong 2016 sa buong
mundo.
Nakuha ng Boracay ang ikatatlong pwesto kung saan
nangunguna naman rito ang Cuba at pumapangapalawa ang Quito, Ecuador.
Nabatid na pinuri ng magazine ang buhay na buhay na
nightlife sa Boracay kung saan sinasabing sumasayaw ang mga turista sa mismong
buhangin ng isla.
Maliban dito pinuri rin ang ibat-ibang aktibidad at mga
naggagandahang resort at hotel sa Boracay kabilang na ang kagandahan ng Punta
Bunga Beach at Puka Shell Beach at ang kite surfing sa Bulabog Beach.
Samantala kabilang naman sa listahan ang Lisbon, Portugal;
Ireland; Zanzibar, Tanzania; Nepal; Iran; Rio de Janeiro, Brazil; Barbuda at Caribbean.
Nabatid na noong Pebrero 2015 ay nakuha rin ng Boracay’s
White Beach ang ranked No. 4 sa Conde Nast’s Top 10 Island Beaches for Perfect
Sand habang kinilala din ito bilang isa sa 20 Best Islands para sa Dream
Getaways for 2015.
No comments:
Post a Comment