Posted January 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kasalukuyan na
ngayong ginagampan ng 50 pulis na bagong augment nitong Martes sa Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) ang kanilang trabaho.
Sa pangunguna ni
BTAC Officer In-Charge PSI Nilo Morallos, isinailalim nito sa briefing ang mga
nasabing pulis bago ang deployment sa kanilang mga area sa ibat-ibang lugar sa
Boracay.
Maliban dito, sumabak
agad ang mga ito sa pagbibigay ng mga flyers na nakapaloob ang ibat-ibang
paalala tungkol sa mga ipinagbabawal na gawain sa isla kabilang na ang Comelec
Gun Ban.
Samantala,
nabatid naman na pagkatapos ng selebrasyon ng Ati-Atihan sa Kalibo ay babalik ang mga na-augment pulis sa PRO- Region 6
Iloilo City para sa Dinagyang festival habang wala pang pormal kung saan talaga
matatalaga ang mga ito.
No comments:
Post a Comment