Posted January 15, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nabalot ng takot ang isang Hotel sa Boracay matapos itong
makatanggap ng pambabanta o death treat kahapon sa Sitio Bolabog, Boracay.
Sumbong ng Management sa pamamagitan ng kanilang empleyado
na kinilalang si “Dane” sa Boracay PNP, nakatanggap umano ng message ang
kanilang company phone mula sa kinilalang si “Kumander Andy” na humihingi ng
pera.
Nakapaloob pa umano sa nasabing message na kung hindi
nila ito pagbibigyan ay sisirain umano nito ang kanilang hotel at papatayin pa
umano sila.
Agad namang ini-report ng nasabing Management ng Hotel sa
mga pulis ang natanggap na pambabanta kung saan nagresulta naman ito ng takot
sa kanilang mga empleyado para sa kanilang seguridad.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga
otoridad hinggil sa nasabing reklamo.
No comments:
Post a Comment