Posted January 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa report ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula
sa isang clinic sa isla na may isa umanong biktima ng pagkalunod ang isinugod
sa kanilang pagamutan.
Dito agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar para
magsagawa ng imbestigasyon kung saan nakilala ang biktimang si Chen Xing Tong
67- anyos temporaryong nakatira sa isang hotel sa isla.
Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang pamilya ng
maganap ang insidente habang nagsasagawa sila ng island hopping activity sa Angol Point snorkeling area para maligo at mag snorkle at doon umano napansin ng apo nitong
lalaki na tila nahihirapang huminga ang biktima.
Dahil dito, mabilis niya itong inahon kasama ang captain at crew staff ng kanilang
kinuhang activity at agad na dinala sa malapit na pagamutan ngunit pagkalipas
ng ilang minuto na pagsasailalim sa CPR ay agad din itong binawian ng buhay.
Napag-alaman na ang ikinamatay ng biktima ay 'Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to drowning base sa pagsusuri ng doktor.
No comments:
Post a Comment