Posted January 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by Vannessa Peralta |
Malaki umanong tulong para sa isla ng Boracay ang 36-megawatt
Nabas Wind Project dahil sa malaking demand ng suplay ng kuryente sa isla kung
saan 24-oras ang operasyon ng mga negosyo.
Dahil dito, pormal ng sumailalim sa inauguration ang
nasabing proyekto nitong Enero 16 na pinangunahan mismo ni Senate President
Franklin Drilon kasama si Energy Regulatory Commission (ERC) commissioner
Josefina Magpale-Asirit, Department of Energy (DOE) undersecretary Donato
Marcos, former TESDA Secretary Joel Villanueva, Aklan Congressman Ted Haresco
at Gov. Joeben Miraflores.
Matapos ang nasabing inagurasyon ay sinundan naman ito ng
groundbreaking ceremony para sa planong pagpapatayo ng tourist center at view
deck na magbibigay ng oportunidad sa pamamagitan ng livelihood sa brgy. kung
saan makikita ang wind mill.
Ang wind power plant ay sinumulang mag-operate noong
Hunyo 2015 na itinayo sa Pawa Nabas hanggang sa Brgy. Napaan sa bayan ng Malay
kung saan nitong nakaraang linggo lamang isinagawa ang pormal na inagurasyon.
No comments:
Post a Comment