Posted December 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumailalim na kagabi sa isinagawang Paraffin test ang
apat na kalalakihan na nakainuman ng pinatay na empleyado ng LGU Malay sa
Boracay nitong Huwebes.
Sa panayam ng YES FM Boracay kay P01 Johnrey Montuerto ng
SOCO-Boracay, sinabi nito na apat sa limang kalalakihan na nakainuman ng
biktimang si Loreto “Jun” Mendoza y Casimero ang kanilang naisailalim sa Paraffin
test kung saan ang isa pa umano ay bigo nilang matuntun sa ngayon.
Ayon kay Montuerto, hindi nila makukunsidira na mga
suspek ang mga ito dahil wala naman umano silang pinanghahawakang ebidensya sa
ngayon.
Kaugnay nito apat umano na tama ng baril ang tinamo ng
biktima na nauwi sa agarang pagkamatay nito kung saan dalawa ang tumama sa ulo
at dalawa naman sa tagiliran base sa pagsusuri ni Dr. Chief of Police Inspector
Jomartin Fuentes medical officer ng crime lab.
Samantala, dinala naman ngayon sa bayan ng Kalibo para
isailalim sa imbestigasyon ang mga balang nakuha sa crime scene.
Nabatid na ala-7 nitong Huwebes ng mangyari ang
pamamaslang sa biktima sa Sitio. Tulubhan Brgy. Manoc-manoc isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment