Posted December 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas araw ng Linggo ay nakatakdang ipakilala ni Bishop Jose
Corazon Tumbagahan Tala-oc ng Diocese of Kalibo ang tatlong bagong pari na
itinalaga sa isla ng Boracay.
Ganap na alas-5:30 bukas ng hapon ay magkakaroon ng misa
ang Holy Rosary Parish Boracay sa Balabag sa pangunguna mismo ni Bishop Tala-oc.
Dito ay pormal niyang ipapakilala ang tatlong pari na
kinabibilangan nina Fr. Jose Tudd Belandres, Fr. Cesar Echegaray at Fr. Cesar
Marin.
Nabatid na ang pagpapakilala sa mga ito ay tinatawag din
na installation o opisyal na pagtatalaga sa mga pari na siyang magpapa-abot sa
mensahe ng Diyos sa mga taga Boracay.
Dahil dito inaanyayahan ng simbahan ang publiko na dumalo
sa nasabing misa para saksihan ang banal na pagpapakilala sa bagong tatlong
pari sa isla.
No comments:
Post a Comment