Posted December 9, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Patay na ng matagpuan ang isang Security Guard sa kanilang
barracks kahapon sa Sitio Bolabog, Balabag, Malay, Aklan.
Base sa report ng Boracay PNP, nakita umano ng isang kasamahan
nito ang katawan ni Vic Dioso 42-anyos ng Calan, Sebaste, Antique na nakahandusay
na sa sahig sa kanilang barracks.
Napag-alaman na alas-8 ng umaga ay nagsumbong itong biktima
sa kanyang bayaw na masama ang kanyang pakiramadam.
Ayon sa bayaw nito nakakaranas umano ng hypertension ang biktima.
Samantala, base sa doctor na sumuri sa biktima, Cardio
Pulmonary Arrest Probably Secondary to Acute Myocardial Impart umano ang ikinamatay
nito.
No comments:
Post a Comment