Posted December 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa patuloy na banta ng seguridad sa ibat-ibang
tourist destination sa bansa, nababahala naman ngayon ang Sangguniang Bayan ng
Malay tungkol dito.
Sa 44th regular SB Session ng Malay nitong
Martes, sinabi ni SB Member at Chairman of Committee on Laws Rowen Aguirre sa
kanyang privilege hour na kailangang maging handa ng Boracay at palakasin pa
ang security measures ng isla dahil sa mga nangyayaring terrorist attack.
Ayon kay Aguirre madali lang sa isang tao na maglabas
pasok sa isla katulad umano sa mga cargoes na nagsasakay ng mga pasahero
papuntang Boracay.
Dagdag pa nito dapat hindi ito pinapayagan dahil tanging
ang Jetty Port lang ang sakayan ng mga taong pupunta at lalabas ng isla ng
Boracay.
Samantala, nais naman nitong magkaroon ng ordinansa na
kung saan ang lahat ng mga hotel at resort sa Boracay ay magkaroon ng kopya ng
passport ng kanilang mga bisita ng sa gayon ay makatulong umano sila sakaling
may naghahanap sa mga ito.
Kaugnay nito nanawagan naman si Aguirre sa publiko na
maging vigilante sa lahat ng oras at agad na itawag sa mga numero ng mga
kinauukulan sakaling may mapansin silang kahina-hinalang bagay sa kanilang
paligid.
No comments:
Post a Comment