Posted December 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kaliwat kanang political poster at streamers ngayon ang
makikita sa mga poste ng Aklan Electric Cooperative (AKELC0) sa lalawigan.
Dahil dito, nanawagan si Acting general manager Engr.
Joel Martinez ng AKELCO sa mga may-ari ng mga nasabing posters at tarpaulin na
tanggalin ito sa kanilang poste.
Ayon kay Martinez, illegal umano ang pagkakabit ng mga
materials propaganda sa mga poste dahil wala naman umano itong permit mula sa
kanila.
Maliban dito, sadya umanong delikado sa kanilang mga
line-man na umaakyat sa poste ang mga nakalagay na mga posters.
Nabatid na tadtad ngayon ng mga mga pagbati para sa
kapaskuhan at bagong taon mula sa mga kandidato at mga pulitiko ang mga poste
ng kuryente sa Aklan.
Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal ng Department of
Environmental and Natural Resources (DENR) ang pagpako ng mga poster at tarpaulin
sa lahat ng mga punong kahoy kung saan ang susuway umano nito ay mabibigyan ng
karampatang penalidad sa paglabag sa batas sa kalikasan.
No comments:
Post a Comment