Posted December 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi paman natatapos ang taong 2015 pero umabot na sa
mahigit 1.5 million tourist arrival ang naitala sa Boracay ngayong taon.
Base sa record ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay
nasa kabuuang bilang na 1,505,508 ang naitalang tourist arrival simula Enero 1
hanggang nitong Desyembre 21.
Malinaw rito na naabot ang target na 1.5 million tourist arrival
sa taong ito kumpara noong 2014 na kinapos ng halos isang daang libo bago
maabot ang kaparehong target na bilang.
Kaugnay nito ang Korean tourist parin ang siyang
nangunguna sa listahan ng mga foreign tourist arrival sa Boracay na may bilang
na 281,816 sinundan naman ng China na 172,904 at Taiwanese na 57,354 habang ang
mga Pinoy na nagbakasyon sa Boracay ay umabot sa 724,317 sa kapareho namang petsa.
Samantala, inaasahan pa ng Mtour Malay na tataas pa ang
nasabing bilang habang papalapit ang kapaskuhan at bagong taon kung saan
pinipili ng maraming turista na sa Boracay ipagdiwang ang Holiday Season.
No comments:
Post a Comment