Pages

Friday, December 25, 2015

MDRRMO Malay, patuloy ang ginagawang tulong sa mga nasunugan kahapon

Posted December 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Patuloy ngayon ang isinasagawang pagtulong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay sa mga biktima ng sunog kahapon ng umaga sa Ambulong Boracay.

Ayon kay Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay at dating PRC-Administrator, nagtutulungan ngayon ang kanilang opisina kasama ang Municipal Social Welfare and  Development Office (MSWDO), Department of  Social and Welfare Development (DSWD) , Philippine Red Cross (PRC) at Local Government Unit ( LGU) Malay para mabigyan ng pansamantalang tulong ang mga nabiktima ng sunog.

Aniya, alas- 5 kahapon ng hapon nagumpisa ang kanilang pamimigay ng pagkain sa 79 na pamilya ang nagpalista na biktima ng sunog maliban pa sa 325 na indibidwal na pinaniniwalaang mga boarders.

Sinabi pa ni Shconenberger, kung sino ang mga gusto pang tumulong sa mga taong nasunugan ay pwede nilang ideritso sa opisina ng MSWDO.

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang pag-imbestiga ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay kung saan nagsimula ang sunog at kung ano ang dahilan nito.

No comments:

Post a Comment