Pages

Saturday, December 26, 2015

Boracay Water, nagpalabas ng bagong taripa para sa 2016

Posted December 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for biwc boracayIlang araw nalang bago sumapit ang bagong taon kung kayat inilabas na ng Boracay Island Water Company (BIWC) ang bagong taripa para sa taong 2016.

Sa ipinadalang kalatas ng nasabing kumpanya, lumalabas na kapag ikaw ay nakapag-kunsumo para sa residential ng 11-20 cubic meters ay magbabayad ka ng P51.02/cubic meter mula sa dating P47.16 habang kung nakapag-kunsumo ka naman sa commercial A ng 11-51 cubic meters ay magbabayad ka ng P80.55/cubic meter mula sa dating P74.46.

Maliban dito naglabas naman ang BIWC ng bagong Sewerage tariff para sa 2016 kung saan ang sa residential ay P20.14/cubic meter x 70% ng water consumed mula sa kasalukuyang P18.62 habang sa commercial ay P26.14 mula sa old rates na P18.62/per cubic.

Samantala, kabilang din dito ang mga dive shops, bar at restaurant sa Boracay na mayroong grease trap at walang grease trap, mga turo-turo, apartment at boardinghouse.

Nabatid na ang paglabas ng bagong tariff ay base sa approval ng TIEZA Board of Directors sa bisa ng resolusyon No. 1812 na may petsang Desyembre 8, 2012 bilang rekomendasyon ng TIEZA Regulatory Office kung saan mayroong upward adjustment na 8.18% para ma-cover ang final tranche ng 2012 tariff rate rebasing adjustment staggered para sa apat na taon at 2015 Consumer Price Index.

Napag-alaman din na simula noong Setyembre 1, 2015 ay inimplementa ng BIWC ang 14.34% rollback bilang konsidirasyon sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).

No comments:

Post a Comment