Posted December 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to BTAC |
Sumailalim sa Information Education Campaign ang 300 4Ps
beneficiaries mula sa Barangay Manocmanoc, Malay sa isla ng Boracay.
Ito’y kasabay sa ginugunitang National Day Against Human
Trafficking na ipagdiriwang ngayong Desyembre 12, 2015 na may temang “Itatag
ang mga mekanismo laban sa human trafficking, Itaguyod mabuting
pamamahala".
Sa pangunguna ni Nova Regalario, Community Development
Officer ng ECPAT-Philippines; SP01 Christopher Mendoza at P01 Christine
Magpusao, Police Community Relations Officers ng Boracay PNP at MSWDO-Boracay
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa sila ng nasabing Information
Education Campaign sa mga 4Ps beneficiaries.
Kabilang naman sa mga pinag-usapang topiko ay tungkol sa Child
Protection Policy; Child Safe Tourism, Reporting in Case of Abuse; salient
features ng RA 7610 (Anti-Child Abuse Act), RA 9262 (Anti-VAWC Law), RA 9344
(Juvenile Justice and Welfare Act) at RA 9208 (Anti-Human Trafficking Act) at
Crime Safety Prevention Tips.
Ang Information Education Campaign ay isinagawa sa Manocmanoc
Covert Court sa pamamagitan ng suporta ng Philippine Against Child Trafficking
(PACT).
No comments:
Post a Comment