Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pangungunahan ng 35 tribo ang isasagawang “Tamboe Sadsad
Salvo” sa Oktobre 23 sa bayan ng Kalibo para sa Santo Niño Ati-Atihan Festival
2016.
Ayon kay KASAFI Chairman Albert Menez, ang mga tribo ay
mula sa bayan ng Banga, Makato, Malinao, Kalibo, Numancia, at New Washington.
Dagdag ni Menez, ang assembly area ay magaganap sa Kalibo
Pastrana Park ng alas-dos ng hapon bago magsimula ang parada kasabay ng malakas
na tambol.
Kaugnay nito magkakaroon naman ng Kalibo’s Ultimate Party
sa Oktobre 24 sa Kalibo Magsaysay Park kung saan ilang DJs mula sa Metro Manila
at artista ang makikisaya sa naturang okasyon.
Samantala, nakahanda na ring ilatag ng mga pulis ang
seguridad sa Opening Salvo na inaasahang dadaluhan ng libo-libong deboto
kasabay nag-paglatag sa Traffic rerouting plan.
No comments:
Post a Comment