Pages

Monday, October 19, 2015

21 near drowning incident sa Boracay naitala sa loob ng tatlong araw

Posted October 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umabot sa dalawamput isa ang naitalang near drowning incident sa isla ng Boracay sa loob lamang ng tatlong araw simula nitong Sabado hanggang kaninang umaga.

Ito’y base sa record ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter kung saan sampung mga lifeguard ang nakapagligtas sa mga biktima kasama ang tatlong volunteers.

Nabatid na karamihan sa mga biktima ay Korean Nationals at mayroon ding mula sa Iloilo at Bacolod kung saan ang pinakabata ay may edad sampu at ang pinakamatanda naman ay nasa 60-anyos.

Ilan sa mga biktima ay nailigtas sa bahagi ng station 1, 2 at 3 kung saan madami din sa mga muntikang nalunod ay nasagip sa harapan ng La Carmela Boracay.

Napag-alaman na ilang araw ng hinahagupit ng malakas na alon ang isla ng Boracay dulot ng bagyong Lando ngunit marami paring mga turista ang naliligo.

Samantala, ang mga lifeguard na nakapaglitas sa mga biktima ay sina Hermojenes Canyeso, Francis Tapuz, Mervin Tapuz, Jemelon Maminggin, Rufino Magallano, Russel Gelito, Rex Dugang, Jaimel Degus, Kent Rodaste at Gilbert Dugang habang ang tatlong volunteers naman ay sina Ronal Venancio, Rowen Tugo at Alex.

No comments:

Post a Comment