Posted October 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayon palang umano ay todo na ang ginagawang
pagpapaigting ng seguridad ng mga pulis sa probinsya ng Aklan para sa araw ng paggunita
ng mga patay o Undas bukas.
Ito ang sinabi ni Police Information Officer PO3 Nida
Gregas ng Aklan Provincial Police Office matapos magpalabas ng kauutusan si
Acting Provincial Director PSSUPT Iver Appelido na isagawa ang information
dissemination sa mga semeteryo.
Maliban dito may mga itatalaga rin umanong mga pulis sa
lahat ng semeteryo sa buong probinsya ng Aklan para sa pagpapatupad ng
seguridad.
Palala naman ni Gregas sa lahat ng mga pupunta at dadalaw
sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay, na iwasan ang pagdala ng mga
ipinagbabawal na bagay katulad ng mga patalim na maaaring nakakamatay kasama na
ang baraha at radyo.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng mga checkpoint sa mga
pangunahing kalsada sa probinsya lalo na ang bayan ng Kalibo kung saan dagsa
ang maraming tao.
Samantala, magkakaroon naman ng mga police assistance disk sa mga terminal ng bus dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero na uuwi sa kanilang mga lugar.
No comments:
Post a Comment