Posted October 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka-heightened alert status na ngayon ang Philippine
Coastguard Caticlan sa paggunita ng araw ng mga patay o Undas ngayong Linggo.
Ayon kay Acting Deputy Station Commander Wilser
Villanueva ng PCG-Caticlan, simula umano nitong Miyerkules ay pinaigting na
nila ang kanilang seguridad sa Caticlan Jetty Port para sa inaasahang pagdagsa
ng maraming pasahero.
Naglagay na rin umano sila ng passengers assistance
center sa mismong harapan ng pantalan kasama ang kanilang K9 Unit maging ang Jetty
Port medical team, Maritime Police at Philippine Army.
Maliban dito nagsasagawa rin umano sila ng monitoring sa
mga Roro-vessel bago ito umalis patungong Mindoro at Batanggas para masiguro
ang seguridad ng mga sakay na pasahero.
Sinabi din nito na mahigpit rin nilang minomonitor ang
mga bangkang biyaheng Boracay at ang pagpapatupad ng pagpapasuot ng life jacket
sa mga pasahero.
No comments:
Post a Comment