Posted October 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigit sa isang daan partisapanti sa isla ng Boracay ang
dumalo sa isinagawang Anti-Kidnapping Seminar ng Boracay PNP at ng
Anti-Kidnapping Group nitong nakaraang araw.
Dito napakaloob ang tungkol sa Lecture on Security
Awareness/Role of the Community in Kidnap for Ransom Prevention.
Layun naman ng nasabing seminar na masigurong ligtas ang
mga turista sa bansa partikular sa Visayas at sa isla ng Boracay laban sa
laganap na kidnapping sa ibat-ibang panig ng bansa.
Samantala, kabilang din sa mga naging topiko sa seminar
ay tungkol sa background ng PNP-AKG, The Law on Kidnapping, Trends in
Kidnapping, Modus Operandi, Detecting Kidnappers/Suspicious Persons, KFR Group
Targets and Categories of Kidnappers, Detecting Safe Houses, Preventive Tips (Education
for Prevention, Community Responsibility), Advantages of
reporting/Disadvantages of not reporting of kidnapping incidents to police
authorities.
Nabatid na ang naturang seminar ay pinangunahan ng Philippine
National Police Anti-Kidnapping Group – Visayas Field Unit sa pakikipagtulungan
sa Local Government Unit ng Malay.
No comments:
Post a Comment