Pages

Monday, October 26, 2015

Mahigit 12 libong botante sa Aklan nanatiling walang biometrics sa Comelec

Posted October 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecNasa mahigit 12 libo pa umanong mga botante sa Aklan ang wala pa ngayong biometrics base sa kabuuang 332,367 registered na mga botante sa Aklan.

Ito ay base sa huling naitalang record ng Commission on Elections (Comelec) Aklan isang linggo bago magtapos ang naturang registration.

Dahil dito nanawagan naman si Chrispin Raymund Gerardo, Comelec-Aklan information officer sa mga botante na walang pang-biometrics na kailangan na nilang humabol at magparehistro sa mga Comelec office para sila ay makaboto sa 2016 elections.

Muli namang iginiit nito na wala ng extension ang registration sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa bansa.

Batay sa Republic Act 10367, o Mandatory Biometrics Registration Law, mahigpit na tinututulan ang walang biometrics na makaboto sa Mayo 9, 2016 local at national elections.

Samantala, ipinapaabot naman ng COMELEC na bukas ang kanilang tanggapan sa mga naka-rehistrong botante na may mga problema sa kanilang pangalan o sa listahan na puwedi nila itong ipaayos simula sa Lunes.

No comments:

Post a Comment