Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa ang Department of Trade and
Industry (DTI) ng Small Medium Enterprise Roving Academy (SMERA) Training sa
lalawigan ng Aklan.
Ito ay para maipakilala ang pag-nenegosyo sa mga Aklanon
na may kakayahan sa tinatawag na Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs).
Nabatid na ang SMERA ay isang flagship program ng
nasabing ahensya na nag-nanais ng patuloy na learning program para mapausbong
pa ang ibat-ibang kakayahan at potensyal ng mga kababaehan at walang trabaho
kasama na ang local youth at ang lumalakas na MSMEs sa pamamagitan ng promotion
ng business information at skills training.
Samantala, ilan sa mga topiko sa training activities ay
ang establishment activities, establishing markets, enterprise development
kasama na ang pagpapahayag kung paano makapag-avail ng loan, visual
merchandizing, entrepreneurship at product consultation and development.
No comments:
Post a Comment