Posted September 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na pinahihintulan ng Environmental Management
Services (EMS) ng LGU Malay na lumapit ang mga fire dancers sa Boracay sa
kanilang mga customers sa oras ng kanilang pagtatanghal.
Ito ang sinabi ni Malay EMS Administrative Assistant Adel
Lumagod matapos nilang hinigpitan at ipagbawal ang pagsayaw ng mga Fire Dancers
ng walang permit mula sa LGU.
Ayon kay Lumagod ito umano ay proteksyon lamang nila sa
mga dancers para sakali umanong magkaroon ng insidente sa pagitan costumer at
dancer ay hindi sila makakasuhan.
Nabatid na isa sa pang-aliw ng mga dancers ang paglapit
sa kanilang mga costumer habang
hawak-hawak ang kanilang poi at pinapaikot-ikot sa ulo o sa mukha.
Samantala, sinabi pa nito na ang mga costumers lang ang
maaaring lumapit sa kanila kung nais ng mga itong magpakuha ng litrato.
Sa kabilang banda, pinagbabawalan na ring magsuot ng
maiikling damit ang mga dancers katulad na lamang ng underwear, pagsayaw sa
pathway o vegetation area ng beach front gayon din ang pagsasayaw sa buhangin
ng walang platform.
No comments:
Post a Comment