Pages

Tuesday, September 29, 2015

Kalibo, nangunguna parin sa pinakamaraming walang biometrics sa Aklan

Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecNangunguna parin ngayon ang bayan ng Kalibo sa Aklan sa may pinakamaraming walang biometrics para makaboto sa 2016 local and national election.

Ayon kay COMELEC-Aklan Information Officer Chrispin Raymund Gerardo, nasa 3,800 pa ang walang biometrics na mga residente ng nasabing bayan.

Ito umano ay base sa pinakahuling Consolidated Progress Report ng COMELEC-Aklan sa isinagawang ERB Hearing noong Hulyo 20, 2015, kung saan ang Aklan ay may 320,843 na mga botante at 5% dito ay hindi pa nakapag-biometrics.

Ang COMELEC-Kalibo ay pinamumunuan ni Atty. Rommel Benliro habang ang COMELEC Provincial Office ay pinamumunuan naman ni Provincial Election Supervisor Atty. Ian Lee Ananoria.

Nabatid na ang pagpapalabas ng Consolidated Progress Report ay ginagawa bawat tatlong buwan base sa Commission on Elections (COMELEC).

No comments:

Post a Comment