Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinangahal na kampeon ang Asya Premier Suites Boracay sa
ginanap na 2nd First Aid Olympics ng Philippine Red-Cross (PRC) Boracay-Malay
Chapter kaninang umaga.
Tinalo nito ang mga kalaban mula sa ibat-ibang
Resort/Civic Groups sa Boracay na sumali sa nasabing palaro na may temang
"First Aide and Ageing Population".
Naglaban-laban ang mga ito sa limang categories sa limang
areas kagaya ng bandaging relay, caring of patient, Cardiopulmonary
resuscitation (CPR), Situational analysis at Quiz bee.
Tinanghal naman bilang 2nd place ang Boracay
Shang-rila, 3rd place ang Boracay Haven habang nakakuha naman ng
special awards ang KABALIKAT CIVICOM.
Nakatanggap naman ang mga nanalo ng Plaque at medals na
iniabot mismo ni PRC Boracay-Malay Chapter Marlo Schoenberger at ni Municipal
Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos na siyang naging panauhing
pandangal.
Samantala, pinasalamatan naman ni Schoenberger ang lahat
ng mga grupong sumali sa matagumpay na First Aid Olympics sa Boracay.
No comments:
Post a Comment