Posted August 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli ngayong isinusulong sa Senado ng Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan ang paghati na maging dalawang distrito ang probinsya ng
Aklan.
Ito’y matapos ang pagpasa ng isang resolusyon sa
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ni SP Member Emmanuel Soviet Russia Dela
Cruz, na naglalayong ipaabot ang sentimyento ng mga Aklanon na gawing “two
legislative district” ang probinsya.
Nabatid na ang proposed bill ay layong gawing 1st
District at 2nd District ang Aklan kung saan ang first district ay
kinabibilangan ng mga bayan ng Altavas, Balete, Batan, Banga, Kalibo, New
Washington, Libacao at Madalag kung saan may kabuuang bilang ito ng populasyon
na 282,395.
Habang ang second district ay kinabibilangan naman ng mga
bayan ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia at
Tangalan na may total population na 253,330.
Samantala, sinabi pa ni Dela Cruz, matagal na ring
kwalipikado ang probinsya ng Aklan para gawin itong dalawang distrito kung saan
base umano sa pinakahuling census ng National Statistics Office (NSO) umabot na
sa halos kalahating milyon ang total population ng Aklan.
No comments:
Post a Comment