Posted August 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling dadaong sa isla ng Boracay ang barkong “Legend of
the Seas” ng Caribbean Cruise Ship ngayong buwan ng Agosto matapos ang unang
pagbisita nito tatlong taon na ang nakakaraan.
Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, magpapatawag umano sila ng meeting ngayong Agosto-10 na
gaganapin sa Casa Pilar Boracay kung saan dadaluhan naman ito ng mga Law-enforcers
sa isla at mga concern agencies para paghandaan ang pagdating nito.
Nabatid na unang dumaong sa isla ang naturang barko noong
Oktobre 2012 sakay ang mahigit sa dalawang libong pasahero mula sa ibat-ibang
bansa.
Napag-alaman na ang “Legend of the Seas” ay kabilang sa
mga nagpaabot ng kanilang komunikasyon sa pamahalaang probinsyal ng Aklan para
sa kanilang tour sa isla ng Boracay ngayong taon.
Samantala, inaasahan naman ng Provincial Government ng
Aklan sa pamamagitan ng Jetty Port Administration na maraming pang cruise ship
ang dadaong sa isla ng Boracay bago magtapos ang taong ito na magdadala ng
maraming mga turista sa sikat na isla.
No comments:
Post a Comment