Posted August 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to Anthony Inostro |
Binalaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Council (PDRRMC) ang mga residente sa Aklan na mag-ingat sa
posibleng pagbaha dulot ng bagyong Ineng.
Ito’y matapos na maranasan ang mataas na tubig baha sa
Aklan River kahapon kung saan daan-daang residente ang nakatira malapit sa
nasabing ilog.
Nabatid na walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan sa bayan ng Libacao at Madalag sa Aklan dahilan ng pagtaas ng level ng
tubig sa ilog.
Maliban dito ilang lugar din sa probinsya ang nakaranas
ng pagbaha dulot ng magdamagang ulan simula pa noong nakaraang araw.
Bagamat walang nakataas na storm signal sa probinsya hindi naman
isinasantabi ng PDRRMC ang paghahanda lalo na at nararamdaman ngayon ang
Habagat Season.
Samantala, naka-antabay naman ang mga rescue team
sakaling tumaas pa ang level ng tubig sa Aklan River.
Ang bagyong Ineng ay kasalukuyan ngayong nararanasan sa Northern
Luzon kung saan inaasahan itong lalabas sa area of responsibility sa Lunes.
No comments:
Post a Comment