Posted August 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to Mar Schoenenberger |
Makasaysayan ang pagkaligtas sa siyam na muntik ng
malunod sa Boracay kahapon sa loob lamang ng isang araw dahil kay bagyong Ineng
na nagdala ng malakas na alon sa isla.
Sa tulong ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter
Lifeguards, nailigtas ang siyam na buhay ng apat na Pinoy na kinabibilangan ng
dalawang bata, dalawang matanda na Ilonggo, dalawang Korean National, dalawang
Arabs, at isang Chinese National.
Dahil dito tinawag na mga bayani ni PRC Boracay-Malay
Chapter Administrator Marlo Schoenenberger ang mga lifeguard volunteer ng PRC
dahil sa mabilis na pagrespondi sa mga biktima na muntik ng malunod kahapon.
Sinabi pa ni Schoenenberger na mabilis ang naging tugon
sa pagrespondi sa mga biktima dahil sa mga naka-standby nilang Lifeguards
patrol sa Stations 1 Willy's Rock , D'Mall station 2, Tourist Center at Angol Beach station 3.
Bagamat walang nakataas na storm signal sa Visayas Region
ngunit mas pinalakas naman ang Habagat dahil kay Typhoon Ineng na nananalasa
ngayon sa Northern Luzon.
Samantala, paalala naman ng PRC sa mga maliligo sa dagat
na huwag maligo mag-isa at kailangang nasa Red at Yellow Flags sign lamang sila
maligo lalo na ngayong Habagat Season.
No comments:
Post a Comment