Pages

Tuesday, July 21, 2015

Provincial Government ng Aklan nakipagkasundo sa CBTMPC at Philippine Coastguard kaugnay sa One Entry-One Exit Policy sa Boracay

Posted July 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port schedule 2015Balik na ngayon ang biyahe ng mga bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port sa tuwing walang masamang panahon at hindi malakas ang Southwest monsoon “Habagat”.

Ito’y matapos na magkasundo ang Provincial Government ng Aklan at Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) kasama ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan na sundin ang ordinansa ng probinsya na One Entry-One Exit Policy sa Boracay.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang disisyong umanong ito ay mula kay Governor Florencio Miraflores na siyang nag-uutos na ibalik ang biyahe ng mga bangka mula sa Tabon at Tambisaan Port sa Cagban at Caticlan kung wala namang masamang panahon at kung maaliwalas ang karagatan.

Sinabi pa nito na ang Philippine Coastguard ang siyang magdedesisyon kung kaylan ililipat ang biyahe ng mga bangka dipindi sa panahon.

Kaugnay nito nakipag-ugnayan na rin umano sila sa mga transport groups para maiwasan ang pagkalito at hindi na umano kailangan pang makipagtigasan.

Sa ngayon umano ay inaantay nalang nilang e-repeal o hindi ang resolusyong No. 073 series of 2014 ng LGU Malay na siyang nagsasabi na ang Tabon at Tambisaan Port ay regular port ng One entry-One exit to and from Boracay sa panahon ng Habagat.

Matatandaang pinadalhan ng sulat ni Governor Miraflores si Malay Mayor John Yap tungkol sa nasabing resolusyon na nagsasabing bawiin ito dahil sa mayroon umanong ordinansa ang Aklan Province sa naturang One entry-One exit policy.

No comments:

Post a Comment