Pages

Monday, July 20, 2015

Provincial Aids Council ng Aklan pinaghahandaan na ang Worlds Aids Day

Posted July 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bagamat ilang buwan pa bago ang selebrasyon ng Worlds Aids Day patuloy naman ang ginagawang meeting ngayon ng Aklan Provincial Aids Council.

Ayon kay Debby Villaflor, Provincial Nurse Coordinator ng STI/HIV/AIDS sa Aklan, nagsasagawa na umano sila ngayon ng regular meeting para sa Worlds Aid Day sa Disyembre.

Maliban dito naghahanda na rin sila ng awareness campaign tungkol sa dumaraming kaso ng Human immunodeficiency virus infection and acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS) sa probinsya.

Nabatid na nakapagtala na ngayon ang Aklan Provincial Aids Council ng 52 kaso ng may HIV/AIDS sa lalawigan kung saan karamihan nito ay mula sa bayan ng Kalibo at isla ng Boracay sa Malay.

Samantala, hangad ng nasabing Council na masugpo ang dumaring kaso ng may HIV/AIDS sa tulong ng kanilang ginagawang programa at kampanya sa pag-iwas sa nakamamatay na karamdaman.

Ang Worlds Aids Day ay taon-taong ipinagdiriwang sa buong bansa tuwing Disyembre sa pamamagitan ng ibat-ibang programa at awareness campaign.

No comments:

Post a Comment