Posted July 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa P42,330,000 na pondo ang matatanggap ngayong Lunes
Hulyo 6 ng 1, 441 pamilya na nasira ang bahay dahil sa bagyong Yolanda sa bayan
ng Kalibo.
Ayon kay Kalibo OIC Municipal Treasurer Rey Villaruel, kahapon
umano ay natapos na nilang ipamigay sa 704 pamilya na kinabibilangan ng 9 na
Baranggay sa Kalibo ang mahigit P21,Milyon.
Sinabi nito na kabilang sa mga Baranggay na bibigyan nila
ng nasabing pondo ay ang Estancia, Pook, New Buswang, Mabilo, Old Buswang,
Bakhaw Sur at Poblacion kung saan makakatanggap umano ang bawat benepisyaryo ng
tig-P30 mil pesos.
Dagdag ni Villaruel na magsasagawa muna sila ng
liquidations at payrolls para sa pag-release ng mahigit P42 Milyon na pondo.
Kaugnay nito ilang bayan na rin sa Aklan ang nakatanggap
ng kaparehong tulong financial ngunit may ilan paring lugar na patuloy na
nag-aantay kung kaylan makakarating ang para sa kanila matapos silang makapag-palista
sa DSWD bilang mga apektado ng naturang bagyo.
Samantala, napag-alaman na nasa dalawang libo, isang daan
at labin limang kabahayan sa Kalibo ang totally damaged matapos ang pananalasa
ni super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.
No comments:
Post a Comment