Posted July 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inikot ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang
ilang paaralan sa isla ng Boracay para sa kanilang drug symposium dubbed as
Illegal Drugs Awareness and Reduction Campaign.
Ito ay sa pangunguna ni Boracay PNP Chief of Police PSI
Frensy Andrade at ni P03 Christopher Mendoza at P01 Kristina Dajay ng PCR PNCOs
kasama si P01 Ireil Fernandez, Operation PNCO.
Layunin ng kanilang kampanya sa pagbisita sa school
visitation ay para mabigyan ng Lecture ang mga estudyante tungkol sa
ipinagbabawal na gamot.
Nabatid na ang nasabing kampanya ay kinabibilangan ng
Grade 7 student ng Boracay National High School-Manocmanoc Extension, Boracay
National High School at Lamberto H Tirol National High School.
Kasama naman sa mga pinag-usapan ay ang Crime Safety and
Prevention Tips and Municipal Ordinance on Curfew for Minors at ang Municipal Ordinance
na ang pinagbabawal sa kanila na pumasok sa Internet Cafe sa oras ng klase.

No comments:
Post a Comment