Pages

Monday, July 27, 2015

Boracay PNP patuloy ang kampanya laban sa "Say NO to Child Sex Tourism!"

Posted July 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patuloy ngayon ang ginagawang kampanya ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) laban sa "Say NO to Child Sex Tourism!" sa isla.

Ito ay sa pangunguna ng Women and Children Protection Desk (WCPD) personnel para ipalaganap ang kampanya sa Child Sex Offenders sa pamamagitan ng pamamahagi ng Informative prints at reading materials.

Ilan sa nakapaloob sa mga ipinamigay na babasahin ay ang “There is no excuse; sex with children is a crime, be responsible tourist at “say no to child sex tourism”.

Dito hinihikayat din nila ang mga turista na e-report sa kanilang tanggapan kung may nalalaman silang nangyayaring sex tourism sa isla.

Nabatid na nagdikit din ang Boracay PNP ng mga sticker na naglalaman ng nasabing kampanya sa lahat ng mga bumibeyahing tricycle sa Boracay kasama na ang ilang private vehicle upang mas lalo pang mapalakaw ang kanilang kampanya.

Samantala ang pakikipagtalik sa mga kabataan lalo na sa mga menor de-edad ay isang krimin na lumalabag sa batas na (Republic Act 7610) o The Special Potection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

No comments:

Post a Comment