Posted
July 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinuligsa ni Bayan Aklan at aktibistang si George Calaor
ang admistrasyong Aquino bago ang huling SONA ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong
hapon.
Sa panayam ng YES FM Boracay kay Calaor diritsahan nitong
sinabi na walang pagbabago sa mahigit limang taong pamamahala ni PNoy sa bansa.
Dito inilathala niya ang umano’y mga katiwaliang ginawa
ng Pangulo katulad ng pumutok na isyu sa Pork Barrel Scam kung saan ang mga
naparusahan lang umano rito ay ang mga kontra sa kanyang administrasyon.
Maliban dito marami umanong krimen ang nangyari sa bansa
katulad na lamang ng extra judicial killing na tumaas ang mga bilang ng mga
biktima sa kanyang pamamahala.
Tinukoy din ni Calaor ang Emergency Shelter Assistance (ESA)
sa bagyong Yolanda na nagdulot umano ng “injustice” sa mga biktima dahil
hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakatanggap ng nasabing tulong.
Samantala, sinabi din nito na sa kanyang pananaw ay
walang naidulot sa probinsya ng Aklan ang kanyang pag-upo bilang Pangulo at
kung meron mang nakinabang ito ay ang kanyang mga alipuris dahil hanggang
ngayon ay marami parin umanong mahihirap sa probinsya.
No comments:
Post a Comment