Posted June 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ngayong ino-obserbahan sa isang pagamutan
sa bayan ng Kalibo ang anim na taong gulang na batang babae matapos na mabangga
ng L300 van sa Tangalan, Aklan.
Base sa report ng Tangalan PNP Station, bigla nalang
umanong tumawid ang nasabing bata mula sa eskwelahan nito sa Panayakan, Elementary
School matapos nitong makita ang kanyang ina sa harap ng kanilang paaralan na
bumaba mula sa isang sasakyan.
Nabatid na hindi umano napansin ng biktimang si Angel
Grace Bareda ang papararting na L300 van na minamaneho ng suspek na si Norwell
CastaƱeda, 37-anyos ng Brgy. Puis, New Washington, Aklan kung kayat mabilis
itong nahagip ng naturang sasakyan.
Napag-alaman na galing ang nasabing van sa Caticlan,
Malay, Aklan sakay ang ilang pasahero papuntang bayan ng Kalibo.
Samantala, matapos ang imbestigasyon ng Tangalan PNP Station
sa nasabing insidente agad naman nilang pinalaya ang suspek dahil sa nagkaroon
naman umano sila ng kasunduan sa pagitan ng mga magulang ng biktima.
No comments:
Post a Comment